43 patay sa mga bagyo, habagat
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | September 7, 2026

Photo: PCO
Umabot na sa 43 ang nasawi, 20 ang nasugatan at lima ang nawawala dahil sa pinagsamang epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Cyclones Luis, Maymay, Neneng at Pilandok, ayon sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo.
Naitala ang mga nasawi sa ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at National Capital Region.
Pinakamarami ang nasawi sa Benguet na umabot sa 15, kabilang ang 10 sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad at tatlo sa Atok. Samantala, 20 katao ang nasugatan, kabilang ang 13 sa Benguet.
Lima naman ang nawawala, kabilang ang tig-isa sa Quezon City, Manila, Batangas City, Rodriguez sa Rizal at Porac sa Pampanga. Karamihan sa mga kaso ay iniuugnay sa pagkalunod.





Comments