top of page
Kim Chiu - IG.jpg

4 patay, 19 sugatan sa BARMM Election

Writer: BULGAR
BULGAR
11 minutes ago
1 min read

by Mervin Reyes/Mai Ancheta @News | September 15, 2026



BARMM Election - PNP

Photo: Philippine National Police



Apat ang patay at hindi bababa sa 19 ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Cotabato City ilang oras bago ang pagbubukas ng unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes.


Sa Brgy. Bagua 2, pinaputukan umano ng mga hinihinalang supporter ng isang hindi pinangalanang kandidato ang isang grupo na kinabibilangan ni Brgy. Chairman Fahad Singh at ilang lokal na opisyal.


Tatlo ang nasawi sa pamamaril, kabilang ang dalawang kasama ni Singh. Sugatan din sa insidente si City Councilor Marouf Ayunan Pasawiran.


Samantala, isang lalaki ang nasawi sa pagsabog ng granada noong Linggo ng gabi sa Amirol Elementary School sa Brgy. Kalanganan Mother.


Ayon sa Cotabato City Police at mga lokal na awtoridad, umabot sa apat ang nasawi at 14 hanggang 19 ang sugatan sa dalawang insidente.


Iniuugnay ng mga residente at opisyal ang karahasan sa matinding tunggalian ng mga grupo sa pulitika bago ang halalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page