4 Lakays sa ONE Winter Warriors; Bakunados, puwede nang manood
ni MC - @Sports | November 15, 2021

Nakatakdang bumanat ang apat na Filipino mixed martial artists mula sa Team Lakay ng Baguio City sa ONE: Winter Warriors II sa Singapore sa hindi pa inaanunsiyong petsa.
Ang 19-anyos na prodigy na si Jhanlo Sangiao, anak ni Team Lakay head coach Mark Sangiao, at former Brave CF bantamweight champion Stephen Loman ay sasagupa sa promotional debut kontra kina Paul Lumihi at Yusup Saadulaev, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Pagpapatibay naman ng lakas ang ipakikita ni dating ONE bantamweight world champion Kevin Belingon ang husay kontra kay hard-hitting Kwon Won Il ng South Korea.
Galing si Belingon, 34, sa tatlong sunod na pagkatalo at huli itong sumagupa kontra kay dating UFC fighter John Lineker noong Okt. 2020 kung saan natalo ito via second-round technical knockout.
Lalaban din sa card si one-time world title challenger at ONE flyweight grand prix grand finalist Danny Kingad. Ang 26-year-old mula sa Baguio City ay nanggaling sa 23-buwan na pahinga at lalabanan si dating ONE flyweight world champion Kairat Akhmetov.
Samantala, nagrekomenda ang Metro Manila Council ng guidelines sa pagsasagawa ng contact sports events sa NCR.
Sa guidelines na binasa ni MMDA chairman Benhur Abalos sa press conference, ang lahat ng in-venue individuals maging players at spectators ay dapat na fully vaccinated bago pa payagang lumaro o manood ng sporting events kahit pa ito ay indoor o outdoor. “Considering that in the conduct of a contact sports, the players are prone to contact, while the spectators are given to cheer, to jeer or shout, only vaccinated adults and minors shall be allowed to play or watch in an organized or unorganized event,” saad ni Abalos. “Ang hinihingi namin, maski sa labas, bakunado, mas hinihigpitan namin.”
Dapat ding nakasuot ang face mask habang nakaupo sa bench at papayagang alisin habang naglalaro.





Comments