top of page
Search
  • BULGAR

4.7 lindol sa Masbate

ni Mai Ancheta @News | September 25, 2023




Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang Masbate City at kalapit na mga lugar kahapon ng umaga.


Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol alas-6:21 ng umaga at wala namang naitalang pinsala.


Naramdaman ang intensity 4 na lindol sa Masbate City at San Fernando; intensity 3 sa Batuan, Milagros, Mobo at Monreal; intensity 2 sa bayan ng Aroroy; Rosario sa Northern Samar; Bulusan sa Sorsogon at Legazpi City sa Albay.


Bagama't walang idinulot na pinsala, sinabi ng Phivolcs na aasahan ang mga aftershocks ng lindol.


Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay nakaranas din ng lindol sa ilang lugar sa bansa subalit walang paliwanag kung bakit nagiging madalas ang lindol.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page