top of page
Search
  • BULGAR

3rd party daw, nagsalita na, Kyline… DASURI, TODO-EXPLAIN KUNG BAKIT KASAMA SA PICTURE SI MAVY

ni Beth Gelena @Bulgary | February 27, 2024





Pinabulaanan ni Dasuri Choi na siya ang third party sa hiwalayang Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. 


Ayaw na raw sanang palakihin pa ng Kapuso artist ang tungkol sa issue pero kamakailan ay naging usap-usapan ang picture kung saan kasama niya sina Mavy at Cassy Legaspi. 


Paliwanag ng host, kasama nila ang mga co-hosts nila sa Tahanang Pinakamasaya nu’ng mga panahong 'yun, ngunit ‘yun lang daw ang ginagawan ng isyu.


Hinding-hindi raw niya magagawang maging third party dahil pinalaki siya ng mga magulang nang maayos. 


Sa kanyang vlog, sinabi niyang, “I will never try to be a 3rd party in my life.” 


Sinagot niya ang ilang hate comments habang siya’y nagmu-mukbang.


Esplika ni Dasuri sa picture niyang kasama ang kambal na sina Mavy at Cassy, kuha umano 'yun sa soft opening ng isang restaurant na pagmamay-ari ng executive producer ng Tahanang Pinakamasaya. 


Paglilinaw pa niya, kasama rin nila ang mga kasamahan sa naturang noontime show. Ipinakita pa niya ang video bilang patunay sa kanyang sinasabi. 


Si Choi ay isang South Korean dancer at entertainer na naninirahan sa Pilipinas.


Nanalo siya ng Best in Talent at 2nd runner-up sa segment ng Eat Bulaga! na You’re My Foreignay.


Sa ngayon, siya’y isa na sa mga co-hosts ng Tahanang Pinakamasaya. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page