top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

37-anyos pa lang at super bata pa ng anak…ANGELICA, MABABALDADO DAHIL SA SAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 21, 2023



Ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban ang journey niya sa pakikipaglaban sa kanyang sakit na avascular necrosis sa Kapamilya celebrity talk show na Magandang Buhay recently.


Ayon sa aming research, ang avascular necrosis ay isang sakit na nagreresulta mula sa pansamantala o permanenteng pagkawala ng suplay ng dugo sa buto. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga dulo ng mahabang buto.     


Ang avascular necrosis ay maaaring resulta ng pinsala, paggamit ng mga gamot, o alkohol.


And knows naman sa showbiz at sa public na mahilig uminon ng alak si Angelica kaya maaaring dahil dito kaya niya nakuha ang sakit na avascular necrosis.


Kabilang sa mga sintomas ang pananakit ng kasukasuan at limitadong saklaw ng paggalaw.


"Kumbaga, namatay ang hip bone ko. Nawalan na siya ng blood flow, hindi niya kayang gumaling on its own. Kailangan ng tulong, like ng operation, hip replacement, mga ganyan," pahayag ni Angelica sa mga hosts ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Asia’s  Songbird Regine Velasquez.


“Nu’ng naririnig ko ito, wait lang, magte-37 pa lang ako. Tapos ngayon pa lang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Sabi ko, 'Pero bakit naman medyo unfair?


Gusto ko pang i-enjoy ang mga ibinibigay sa akin,'” himutok ni Angelica.


Naghanap daw muna si Angelica ng mas konserbatibong approach.


Esplika ni Angelica, “Para hindi muna tayo mapunta roon sa nakakatakot na surgery…  Siguro, nu’ng nalaman ko lang ‘yun, narinig ko ‘yun, hindi strong enough ang mind ko para tanggapin ‘yung ganu'ng balita.


“So, nu’ng nakahanap naman kami ng conservative approach na ito nga, better naman, 'yung procedure na ginawa sa akin is nilagyan ng stem cell ‘yung dead bones sa left and right hip.


“'Yung progress niya is 'yung right leg ko, better, less ‘yung pain. Though mayroon pa rin, kaya lang kasi, ang sabi naman ng doctor is mga nasa eight weeks bago ko maramdaman ‘yung ginhawa na inasam-asam ko na halos isang taon na. So hopefully ay magtuluy-tuloy,” lahad ni Angelica.


Inisip daw talaga ni Angelica ang kanyang anak na si Amila Sabine kaya ganoon na lang siya kapursigidong gumaling.


“Talagang iniisip ko nu'n, paano niya ako mae-enjoy bilang nanay kung limited 'yung mga puwede kong gawin? Kasi ang itinanong ko nga, what if hindi ako magpaopera?


Ang sagot sa akin is disability, so mas ayaw natin 'yun. So hanggang may solusyon, hanap lang nang hanap ng solusyon," diin pa niya.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page