top of page

30K volunteers, sasabak sa 3-araw na nat’l vaccination drive — DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | November 27, 2021


ree

Umabot sa tinatayang 30,000 volunteers sa ngayon, ang nag-sign up para sa 3-araw na national vaccination drive na gaganapin sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, ayon sa Department of Health (DOH).


“[Now] we are happy to note that we have around 30,000 who have already volunteered and are being matched to their local government units. Some of them will actually be coming from the National Capital Region (NCR),” ani DOH Health Promotion Bureau/Disease Prevention and Control Bureau Director Dr. Beverly Ho sa Laging Handa briefing ngayong Sabado. “Pero siyempre, we will need more,” dagdag ni Ho.


Una nang sinabi ng pamahalaan na nangangailangan sila ng tinatayang 160,000 volunteers para sa national vaccination drive.


“Marami po kasing nagtatanong kung kailangan may medical background ba bago ka puwede mag-volunteer. So ang sagot po natin doon ay hindi, kasi we actually need educators -- ‘yung mga tumutulong po mag-register at tumutulong din po na mag-orient or mag-observe roon sa sites natin to help traffic, at encoders,” paliwanag ni Ho.


“Lagi naman po tayo sa Pilipinas, best effort always, lalo na ang healthcare workers natin na nagwo-work na for a very, very long time,” sabi pa ni Ho.


Ayon naman sa National Task Force Against COVID-19 (NTF) at ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Biyernes, nag-adjust sila ng kanilang target na vaccination output para sa 3-araw na vaccination campaign ng 9 na milyon na lamang sa halip na 15 milyon.


Sinabi rin ng NTF at NVOC na magkakaroon ng isa pang round ng 3-araw na vaccination drive na gaganapin naman mula Disyembre 15 hanggang 17. Makakatulong ito upang makamit ng gobyerno ang target na maging fully vaccinated ang 54 milyong Pinoy bago matapos ang taon.


“The Bayanihan Bakunahan on November 29 to December 1 will primarily focus on increasing the Philippines’ coverage of the first dose to 70% and increase the booster jabs, while the December 15 to 17 activities will be focused on administering the second dose and boosters,” pahayag ng NTF at NVOC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page