top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 14, 2026



Health Secretary Ted Herbosa - DOH

Photo: File / Health Secretary Ted Herbosa - DOH



Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na nagbitiw sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa.


Kaugnay nito, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Jose Brittanio "Brix" Pujalte Jr. bilang bagong Health Secretary, kapalit ni Herbosa.


Ayon kay Castro, nag-resign si Herbosa dahil sa health reasons.

Si Pujalte ay isang orthopedic surgeon at dating chief ng Philippine Orthopedic Center.


Nagtapos siya ng Doctor of Medicine sa University of Santo Tomas (UST) Faculty of Medicine and Surgery at may karanasan sa orthopedic surgery at hospital administration.


 
 

ni Eli San Miguel @News | Nov. 30, 2024



  • Department of Health

Photo: Department of Health


Iniulat ng Department of Health (DOH) na mas mababa ang bilang ng mga namatay dahil sa leptospirosis mula huling bahagi ng Oktubre hanggang unang bahagi ng Nobyembre ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2023.


Ayon sa DOH, may naitalang 594 na kaso sa buong bansa mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 9, 2024, na 2.5 beses na mas mataas kumpara sa 234 na kaso na naitala mula Oktubre 13 hanggang 26, 2023.


Iniuugnay ng DOH ang pagtaas ng mga kaso sa mga bagyong tumama sa bansa noong Oktubre, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming bahagi ng Pilipinas.


Gayunpaman, naitala ng DOH ang 9.12% case fatality rate (CFR) sa taong 2024, mas mababa kumpara sa 10.83% noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.

 
 

ni Angela Fernando @News | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: DOH

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso ng "whooping cough" o pertussis sa buong bansa, na mayroong 19 na pasyente lamang na naitala mula Agosto 4 hanggang 17, 2024, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes.


Lumabas sa pinakabagong datos ng DOH na nananatiling mababa ang mga kaso ng pertussis, mula sa 131 kaso na naitala nu'ng Hulyo 7-20, bumaba ito sa 77 kaso nu'ng Hulyo 21-Agosto 3, at tuluyang bumaba sa 19 kaso nu'ng Agosto 4-17.


Gayunpaman, apat na rehiyon kasama ang National Capital Region, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao Region, ang naobserbahang nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na anim na linggo mula Agosto 17.


Umabot na sa 3,827 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pertussis na naitala ngayong 2024, karamihan nu'ng Marso at Abril. Ito ay halos 13 beses na mas mataas kaysa sa 291 kaso na naitala sa parehong panahon nu'ng nakaraang taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page