top of page
Search
  • BULGAR

3 venues, pinagpipilian para sa PBA bubbles vs. COVID-19

ni VA - @Sports | September 13, 2020




May tatlong lugar na lamang ang pinagpipilian ng PBA upang maging venue ng kanilang bubble na magbibigay proteksiyon sa mga manlalaro laban sa coronavirus disease para sa hangad na pagpapatuloy ng kanilang naudlot na 45th season.


Ang nangyari, gumawa sila ng shortlist,” pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial matapos ang isinagawang board meeting noong Biyernes.


Wala namang sinabi si Marcial kung ano ang nasabing tatlong venues na kanilang pinagpipilian.


Kasalukuyan nilang pinag-aaralang mabuti lahat ng mga proposal ng natirang tatlong venues mula sa kabuuang 20 na na nagbigay sa kanila na kinabibilangan ng Coca-Cola Arena sa Dubai na tuluyan na nilang tinanggihan dahil gipit na sa panahon.


“‘Yung Dubai talagang gusto nila. Sinabi ko lang na baka kulang sa oras kasi September na, October ko gusto magpalaro, baka kulangin sa papers,” ani Marcial.


“Nagpapasalamat pa rin ako sa kanila. Sabi ko mag-usap na lang kami ng All-Star .Gusto naman nila All-Star doon.”


Muling magpupulong ang board sa darating na Huwebes upang piliin ang kanilang magiging venue at sistema ng gagawing bubble.


Sa Thursday pag-uusapan ‘yung shortlist, kung anong klaseng bubble, at ‘yung format."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page