top of page
Bong Revilla - Circulated.jpg

3 Pinoy seafarers, todas sa pag-atake sa Black Sea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 2, 2026



Pag-atake sa Black Sea - AP - PTI

Photo: Pag-atake sa Black Sea - AP - PTI



Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac nitong Sabado na umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong seafarer na nasawi matapos ang pag-atake sa hilagang bahagi ng Black Sea.


“Noong nakaraang linggo, dalawa ang naiulat na nasawi, pero ang iuulat ko ngayon ay may isa pang nadagdag. Kaya tatlo na ang ating mga kababayang nasawi sa mga pag-atake sa mga barkong nakadaong sa mga pantalan ng Ukraine,” ani Cacdac sa Saturday News Forum.


Ani Cacdac, lilipad siya patungong Romania sa Lunes upang bisitahin ang morgue kung saan nakalagak ang labi ng isa sa mga nasawi. Binisita na rin aniya niya ang mga pamilya ng tatlong biktima.


Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak ng pamahalaan na maibibigay ang buong suporta at tulong sa mga naulilang pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page