3 months pa lang na magdyowa… DERRICK, SA SIARGAO PAKAKASALAN AT ITITIRA SI ELLE
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 25, 2023

Matagal nang magkakilala si Derrick Monasterio at ang Kapuso star na si Elle Villanueva.
Ang pagtatambal nila noon sa seryeng Return to Paradise ng GMA-7 ang naging daan upang magkalapit sila, hanggang sa nauwi ang lahat sa seryosong relasyon.
Recently ay inamin na ni Derrick sa isang interview na si Elle na ang kanyang “the one”.
Three months na sila as a couple at napag-uusapan na rin nila ang kanilang mga future plans. Nasa tamang edad na raw sila ng girlfriend.
Derrick is 28 years old at si Elle naman ay 27. Naipakilala na ni Derrick si Elle sa kanyang mom na si Tina Monasterio at tanggap naman daw nito ang GF ng anak.
Bagama’t wala pang plano kung kailan sila magpapakasal, gusto ni Derrick na sa isla ng Siargao na sila manirahan pagkatapos ng kanilang kasal ni Elle.
Maghahanap sila ng property na mabibili para ru’n na sila manirahan. Sobrang na-in love kasi sina Derrick at Elle sa Siargao, kaya’t magical para sa kanila ang isla.





Comments