top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

28 patay, 25 sugatan sa mass shooting

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 29, 2026



Aftermath sa mass shooting sa South Africa - The Australian - Circulated

Photo: Aftermath sa mass shooting sa South Africa - The Australian / Circulated



Patay ang 28 katao habang 25 ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na mass shooting sa South Africa na nangyari ilang oras lamang ang pagitan.


Unang sumalakay ang walong gunman sa isang bar malapit sa Johannesburg nitong Sabado ng gabi, kung saan 18 ang napatay at 14 ang sugatan. Pinagbabaril umano ang mga customer sa labas bago pumasok ang mga suspek sa bar at sinunog ang dalawang sasakyan.


Ayon sa pulisya, posibleng robbery ang motibo dahil may mga personal na gamit na kinuha sa mga biktima, pero hindi inaalis ang posibilidad ng turf war ng illegal mining groups. Wala pang naaresto at apat pa lamang sa mga biktima ang nakikilala.


Sa hiwalay na insidente malapit sa Cape Town nitong madaling-araw ng Linggo, 10 katao ang nasawi at 11 ang sugatan matapos pagbabarilin sa labas ng isang entertainment venue.


Patuloy ang imbestigasyon sa dalawang kaso habang nananatiling problema sa South Africa ang gang violence, illegal weapons at organisadong krimen. Ilang araw lamang bago ang dalawang shooting, 11 katao rin ang napatay sa isang pamamaril sa Durban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page