top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 29, 2026



Aftermath sa mass shooting sa South Africa - The Australian - Circulated

Photo: Aftermath sa mass shooting sa South Africa - The Australian / Circulated



Patay ang 28 katao habang 25 ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na mass shooting sa South Africa na nangyari ilang oras lamang ang pagitan.


Unang sumalakay ang walong gunman sa isang bar malapit sa Johannesburg nitong Sabado ng gabi, kung saan 18 ang napatay at 14 ang sugatan. Pinagbabaril umano ang mga customer sa labas bago pumasok ang mga suspek sa bar at sinunog ang dalawang sasakyan.


Ayon sa pulisya, posibleng robbery ang motibo dahil may mga personal na gamit na kinuha sa mga biktima, pero hindi inaalis ang posibilidad ng turf war ng illegal mining groups. Wala pang naaresto at apat pa lamang sa mga biktima ang nakikilala.


Sa hiwalay na insidente malapit sa Cape Town nitong madaling-araw ng Linggo, 10 katao ang nasawi at 11 ang sugatan matapos pagbabarilin sa labas ng isang entertainment venue.


Patuloy ang imbestigasyon sa dalawang kaso habang nananatiling problema sa South Africa ang gang violence, illegal weapons at organisadong krimen. Ilang araw lamang bago ang dalawang shooting, 11 katao rin ang napatay sa isang pamamaril sa Durban.


 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 25, 2026



Bahay pinasok at pinagbabaril habang nagpa-party sa Ziko area, KwaMakhutha, timog ng Durban, South Africa - The Associated Press SS

Photo: Bahay pinasok at pinagbabaril habang nagpa-party sa Ziko area, KwaMakhutha, timog ng Durban, South Africa - The Associated Press



Patay ang 11 katao, kabilang ang isang babaeng pinaniniwalaang buntis, matapos pasukin at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki ang isang bahay habang nagpa-party sa Ziko area, KwaMakhutha, timog ng Durban, South Africa nitong Martes ng gabi.


Sampu sa mga biktima ang nasawi sa lugar habang isa pa ang namatay matapos isugod sa ospital. Tatlo naman ang sugatan at patuloy na ginagamot.

Naglunsad na ng manhunt ang pulisya sa tatlong gunman. 


Ayon kay Acting National Police Commissioner Puleng Dimpane, may sinusundan silang “promising lead” para matukoy at maaresto ang mga suspek.


Hindi pa malinaw ang motibo, pero sinisilip ng pulisya ang posibleng away ng magkakaribal na grupo. Ilan sa mga biktima ay dati nang napansin ng Crime Intelligence dahil sa umano’y illegal activities.


Ang pamamaril ay kasunod ng iba pang malulubhang kaso ng gun violence sa bansa. 

Ayon sa pinakahuling police figures, nasa average na 58 katao ang pinapatay kada araw sa South Africa mula Enero hanggang Marso.


Patuloy din ang problema sa organized crime, kabilang ang drugs, extortion, illegal mining at gang violence. 


Noong Pebrero, sinabi ni President Cyril Ramaphosa na malaking banta sa bansa ang organized crime at inanunsyo ang deployment ng mga sundalo para tumulong sa pulisya laban sa gang violence.





POLICE OFFICIAL, KINASUHAN NG RAPE, HUMAN TRAFFICKING AT SEXUAL GROOMING


KINASUHAN ng rape at iba pang sexual offenses ang suspindidong deputy national police commissioner ng South Africa na si Shadrack Sibiya matapos arestuhin nitong Lunes.


Nahaharap si Sibiya sa mga kasong rape, human trafficking, sexual grooming ng bata at dalawa pang bilang ng grooming kaugnay ng alegadong pang-aabuso sa edad 18 at 16 na babae.


Ayon sa charge sheet, nangyari umano ang rape sa isang hotel sa Johannesburg noong Mayo habang hindi umano makapagbigay ng pahintulot ang 18-anyos dahil sa intoxication. 


Samantala, ang sinasabing grooming sa 16-anyos ay nangyari umano sa WhatsApp mula Hulyo 20 hanggang Agosto 3.


Humarap si Sibiya sa korte sa Johannesburg at dinala sa kulungan sa Pretoria habang hinihintay ang bail hearing sa Setyembre 29. Hindi siya pormal na nag-plead sa unang pagdinig.


Kasabay nito, sinuspinde na rin siya sa tungkulin dahil sa hiwalay na alegasyon na nakialam siya sa imbestigasyon ng political killings. Itinanggi niya ang mga alegasyon nang humarap sa Madlanga Commission.


Iginiit ni Acting Police Commissioner Puleng Dimpane na dapat protektahan ng mga pulis ang kababaihan at mga bata at walang puwang sa serbisyo ang sinumang mapatunayang umaabuso sa kanilang posisyon.



 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | August 21, 2026



!00 patay sa minahan sa Zamboye, Central African Republic - Associated Press

Photo: Sundalo ng Taliban sa isang rally - Mohammad Yunus Yawar / Reuters



Patuloy ang rescue at recovery operation sa Zamboye, Central African Republic matapos gumuho nitong Martes ang isang artisanal gold mine na ikinasawi ng mahigit 100 katao.


Ayon sa mga lokal na opisyal, marami pang minero ang posibleng nakabaon sa ilalim ng guho kaya hindi pa pinal ang bilang ng mga nasawi.


Ilang nakaligtas naman ang natagpuang sugatan, kabilang ang mga nagtamo ng malulubhang pinsala matapos ang pagbagsak ng minahan.


Muling nabigyang-pansin ang kalagayan ng mga artisanal miners sa bansa, lalo na ang kakulangan sa safety equipment, regulasyon at iba pang proteksiyon para sa mga nagtatrabaho sa maliliit na minahan.


Patuloy namang tinatangka ng rescue teams na mahanap ang mga nawawala habang isinasagawa ang clearing operation sa lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page