top of page

27-anyos na… ANDRE, GUSTO NANG PAKASALAN ANG SWIMMER GF NA TAGA-UST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2023




Mukhang seryoso na nga ang relasyon ni Andre Paras sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez na isang swimmer ng University of Santo Tomas (UST).


Ilang taon na silang magkarelasyon. Matagal na itinago at inilihim ito sa publiko ni Andre. Pero sa kanyang recent post sa social media ay ipinakilala na nito si Honey sa publiko. Dito ay makikita ang kanilang mga sweet photos na magkasama.


May naging pahayag pa si Andre na gusto na niyang pakasalan ang nobya. He’s 27 years old at feeling ni Andre ay handa na siyang mag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya.


Pero marami naman ang nanghihinayang dahil baka makaapekto sa kanyang career kapag nag-asawa na siya. Mahihirapan na raw si Andre na ipareha sa ibang Kapuso stars. Hindi na siya puwedeng ma-link sa kanyang kapareha.


Kasama si Andre sa seryeng Abot-Kamay na Pangarap. At may offer din sa kanya na maging sports panelist ng NCAA.


Well, hindi naman tutol ang kanyang mom na si Jackie Forster sa relasyon ni Andre at ng kanyang non-showbiz GF. Nasa tamang edad na raw ang anak para gumawa ng major decision sa kanyang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page