top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

21 na ang koleksiyong dream car… ALBERT, BILYONARYO NA, 'DI LANG HALATA

BULGAR
Mar 29, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 29, 2021




Silent billionaire ang aktor na si Albert Martinez. Lingid sa kaalaman ng marami, marami siyang naipundar na properties at may ilang negosyo rin mula sa kanyang kinita sa pag-aartista.


Mahigit apat na dekada na rin sa showbiz si Albert at hanggang ngayon ay aktibo pa rin at napapanood sa telebisyon.


Pumirma siya ng kontrata sa GMA Network at bibida rin sa bagong seryeng Las Hermanas kasama sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, atbp..


Pareho nang may asawa ang dalawang anak na babae ni Albert at tatlo na ang kanyang apo. Ang anak niyang si Alfonso ang kasama niya ngayon sa bahay.


Dahil bata pa naman, marami ang nagtatanong kung may balak ba si Albert na mag-asawang muli upang may mag-alaga/mag-asikaso sa kanya.


Matagal na siyang biyudo at tiyak na maiintindihan ng kanyang mga anak kung muli siyang magmamahal. Pero, mukhang hindi ito ang prayoridad ni Albert ngayon. Nalilibang siya sa kanyang hobby na off-roading at fishing.


Isa pang nagpapasaya kay Albert ngayon ay ang collection niya ng mga vintage and classic cars. Sa ngayon ay may 21 cars na si Albert at malaki-laking pera na ang na-invest niya rito.


Ayon na rin sa aktor, hindi pa siya artista ay sadyang mahilig na siya sa mga kotse at naipangako niya sa sarili na kapag nagkaroon na siya ng pera ay bibilhin niya ang kanyang mga dream cars at natupad naman.








Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page