2027 budget, may ‘pork barrel’ na naman para sa mga cong?!!
- BULGAR

- 11 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 17, 2026

TANGGAPIN KAYA NI CONG. RIDON ANG HAMON NI MAYOR MAGALONG NA IMBITAHAN SIYA SA KAMARA – Matapos hamunin ni Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pangalanan ang mga kongresistang miyembro ng House prosecution panel sa impeachment ni Vice President Sara Duterte na umano’y may mga insertion sa 2027 national budget, agad tumugon ang alkalde at sinabing imbitahan siya sa Kamara at doon niya isa-isang papangalanan ang mga ito.
Eh, ang tanong: Tanggapin kaya ni Cong. Ridon ang hamon ni Mayor Magalong na sa Kamara niya papangalanan ang mga kongresistang umano’y may mga insertion sa 2027 national budget? Abangan!
XXX
2027 NATIONAL BUDGET, MAY 'PORK BARREL' PA RIN? – Sinabi ni Sen. Ping Lacson na may nasilip daw siyang mga lump-sum appropriations para sa mga infrastructure project ng mga mambabatas sa 2027 national budget.
Ang isa sa mga taguri sa pork barrel ay lump sum.
Kaya't kung totoo ang sinabi ni Sen. Lacson, ibig sabihin niyan ay hindi talaga nakakatiis ang mga buwayang senador at kongresista na wala silang pork barrel yearly. Boom!
XXX
NASIRANG P6B EDSA PROJECT NI DPWH SEC. DIZON, DAPAT IMBESTIGAHAN NI OMBUDSMAN REMULLA – Matapos ang pananalasa ng Habagat, lumantad sa publiko na nawasak ang mga ni-repair na kalsada sa kahabaan ng EDSA.
Mantakin n‘yo, P6 bilyon ang ginastos d‘yan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamumuno ni Sec. Vince Dizon, tapos winasak lang ng Habagat.
Aba’y sa laki ng ginastos d‘yan ng DPWH, dapat may managot. Dapat itong imbestigahan ni Ombudsman Boying Remulla para malaman kung substandard din ang EDSA projects na ito ni Sec. Dizon. Period!
XXX
KAHIT BUMAGAL ANG INFLATION RATE, MATAAS PA RIN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN SA ‘PINAS – Last week ay ibinida ng Malacañang ang pagbagal sa 6.2% ng inflation rate sa bansa.
Sa totoo lang, hindi dapat ibinida iyan ng Malacañang kasi kahit bumagal sa 6.2% ang inflation rate noong Hulyo 2026, hindi naman bumaba ang presyo ng mga bilihin at bayarin. Nanatiling mataas ang mga ito. Boom!





Comments