20 yrs. kulong... TONI FOWLER, KINASUHAN SA KABASTUSAN
- BULGAR
- Sep 28, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 28, 2023

Kinasuhan ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang aktres at vlogger na si Toni Fowler dahil sa umano’y malalaswang video nito.
Isinampa laban kay Toni ang mga kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in a Relation sa Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Pasay City Prosecutors Office, Pasay City kahapon, September 27.
Ang mga naghain ng kaso ay sina Atty. Leo Olarte, president ng KSMBPI, Atty. Mark Tolentino at Atty. John Castrisciones, KSMBPI director.
Ayon sa mga abogado ng naturang organisasyon, nagdesisyon silang idemanda si Toni dahil sa tatlong music videos nito na kumakanta at nagpe-perform umano ng mga kabastusan.
Diumano ay may mga eksena pa sa nasabing MV kung saan ay ipinakita ang maseselang parte ng katawan ng lalaki.
Maraming kabataan umano ang nakakapanood ng mga video ni Toni kahit pa may disclaimer itong “for adults only.”
Ayon sa KSMBPI, bawat video raw ay may multang P6,000 hanggang P12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Toni kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya ng kapisanan.
Si Toni ang pangalawang celebrity na sinampahan ng KSMBPI ng kasong kriminal. Matatandaang kinasuhan din nila si Vice Ganda at karelasyong si Ion Perez dahil sa umano’y ‘mahalay’ na ginawa ng celebrity couple sa Isip-Bata segment ng It’s Showtime noong July 25, 2023.




Comments