top of page

2 uri ng emergency travel documents para sa nawalan ng passport

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | February 19, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Puwede bang malaman kung ano ang mga klase ng emergency travel documents na maaaring  ibigay  kung   sakaling mawawalan ng  pasaporte ang isang  Pilipino?  Salamat sa iyong sagot. – Fiel Ranz



Dear Fiel Ranz


Makikita ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 8 ng Republic Act (R.A.) No. 11983, o kilala rin sa tawag na “New Philippine Passport Act,” kung saan nakasaad na:


Section 8. Emergency Travel Documents. - Types of emergency travel documents:


  1. Emergency Passports shall be issued to Filipino travelers who have lost their passports while traveling overseas and are justifiably in need to complete their intended overseas travel prior to their return to the Philippines or their residence overseas. This shall be valid for one (1) year from the date of issuance; and

  2. Emergency Travel Certificate shall be issued to Filipinos returning to the Philippines who have lost their passports overseas or cannot be issued a regular passport. This certificate shall be valid for thirty (30) days up to six (6) months from the date of issuance.


The Filipino's alien spouse and children who are traveling to, or are returning as permanent residents of the Philippines may also be issued an emergency travel certificate.”


Nakalahad sa nabanggit na probisyon ng batas na may dalawang klase ng emergency travel documents. Ito ay ang emergency passport at emergency travel certificate. Ang emergency passport ay maaaring ibigay sa mga manlalakbay na Pilipino na nawalan ng pasaporte habang nasa sa ibang bansa at kailangang tapusin ang kanyang nilalayong paglalakbay sa ibang bansa bago siya bumalik sa Pilipinas o sa kaniyang tinitirhang bansa. Ang nasabing pasaporte ay may bisa sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pag-isyu.


Samantala, ang emergency travel certificate ay maaari naman na ibigay sa Pilipinong bumabalik sa Pilipinas na nawalan ng pasaporte sa ibang bansa o hindi mabigyan ng regular na pasaporte. Ang nasabing emergency certificate ay may bisa sa loob ng 30 araw hanggang anim na buwan mula sa petsa ng pag-isyu. Karagdagan dito, ang dayuhang asawa at mga anak ng isang Pilipino na naglalakbay papunta, o pabalik, bilang permanenteng residente ng Pilipinas, ay maaari ring mabigyan ng emergency travel certificate. 


Ang mga nabanggit ang mga klase ng emergency travel documents na maaaring maibigay sa isang Pilipino na nawalan ng pasaporte at sa dayuhang asawa at mga anak ng isang Pilipino na naglalakbay papunta, o babalik bilang permanenteng residente ng Pilipinas.


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page