2 U.S. diplomats sa Russia, pinalalayas
- BULGAR

- Sep 17, 2023
- 1 min read
ni Mabel G. Vieron @Overseas News | September 17, 2023

Kinumpirma na ng Russia na pinatatalsik na nito ang dalawang U.S. diplomats.
Ayon sa Foreign Ministry ng Russia, pinatawag umano nila si U.S. Ambassador Lynne Tracy para sabihan sina First Secretary Jeffrey Sillin at Second Secretary David Bernstein na lumayas na sa Russia sa loob ng pitong araw.
Nakikipagtulungan umano sila kay R. Shonov na inakusahan ng pagkakaroon ng confidential cooperation sa ibang bansa.
Nagbabala naman ang U.S. Department at sinabing gaganti sila sa ginagawa ng Russia.





Comments