top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

2 niratrat ng riding-in-tandem sa gas station

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 11, 2026



Pickup niratrat ng riding-in-tandem - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang dalawang sakay ng pickup truck matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang nagpapakarga ng gasolina sa Brgy. Nanyo, Panabo City, Davao Del Norte Biyernes ng hapon.


Pawang mga lalaki ang biktima na tinatayang nasa edad 40 ang driver habang nasa 50 ang pasahero nito.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, ala-1 ng hapon nang mangyari ang insidente sa isang gasolinahan sa nabanggit na barangay.


Sinasabing magpapakarga pa lang sana ng gasolina ang mga biktima nang sumulpot sa likuran ang isa sa mga sakay ng motorsiklo saka sila pinagbabaril.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page