top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 mos. pa lang kasal… MAINE AT ARJO, MINAMADALI NANG MAGKA-BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 15, 2023




Sobrang excited ang mga diehard fans ni Maine Mendoza at gusto nang makitang buntis ang kanilang idolo.


Mahigit dalawang buwan pa lang na naikakasal sina Maine at Cong. Arjo Atayde, pero baby na nila ang inaabangan ng lahat.


Nag-comment lang si Maine sa social media na grabe ang antok niya, inisip na agad ng mga fans na naglilihi siya. At mukhang tututukan ng mga loyal fans ni Maine ang lahat ng kanyang kilos ngayon.


Sabik na ang kanyang mga tagahanga na makita ang magiging baby nina Maine at Cong. Arjo.


Ibang klase ang mga tagahanga ni Yaya Dub. Napaka-loyal at supportive nila.


Hindi lang ‘yun, updated din sila sa mga kaganapan sa buhay ng kanilang idolo. Handa rin nilang ipagtanggol si Maine sa mga bashers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page