2 Hapon, arestado sa anti-fraud operations
- BULGAR

- 11h
- 1 min read
ni Lulet Abania @News | April 19, 2026

Photo: FB / PNP
Dalawang Japanese national na hinihinalang miyembro ng transnational criminal groups ang inaresto ng mga awtoridad, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng PNP nitong Sabado, Abril 18, na naaresto ang mga suspek sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Abril 16, 2026 sa Metro Manila.
Pinaniniwalaang ang isa ay miyembro ng sindikato na kilala bilang "Luffy Group" at sangkot sa mga fraud scheme na tinatarget ang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapanggap na opisyal ng gobyerno, kung saan nabatid na isang 34-anyos na Japanese national at naaresto sa Mandaluyong.
Ang isa pang suspek, na 52-anyos na Japanese national at nahuli sa Sta. Mesa, Maynila, ay iniuugnay sa JP Dragon syndicate, isang grupo na sangkot umano sa telecom fraud operations sa buong Asya.
“Hindi natin hahayaang gawing kanlungan ng mga dayuhang kriminal ang ating bansa. Sa tulong ng ating international partners, malinaw ang ating mensahe — mananagot ang sinumang lalabag sa batas,” pahayag ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.




Comments