top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

2 beses nang nakunan, nagpasaklolo sa doktor… ALEX, GINAGAWA LAHAT MABUNTIS LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2024
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 23, 2024




Inihanda na ni Alex Gonzaga ang kanyang katawan para sa muling pagbubuntis. Ibinalita ito ng actress-vlogger sa kanyang latest broadcast channel.


Kuwento niya, nagpunta na sila ng mister na si Mikee Morada sa isang doktor.


“Came from my immunology doctor. Prepping my body for pregnancy,” saad ni Alex.


Patuloy niya, “Claiming it this year.”


Makikita rin sa update ni Alex ang larawan nila ni Mikee na nasa loob ng sasakyan.


Ayon sa isang medical website, ang immunology doctor ay ang gumagamot o tumitingin sa mga sakit na nagmumula sa mga problema sa immune system.


Matatandaang dalawang beses nang nagkaroon ng miscarriage si Alex, gayunpaman ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkakaroon din sila ng anak ni Mikee. Alam niyang darating din daw ito sa tamang panahon at sa kagustuhan ni Lord.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page