top of page

2 beses nang nakunan… HEART, MAGPAPA-PARTY 'PAG NAGKA-BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 13, 2024



Naging emosyonal si Heart Evangelista nang maka-one-on-one interview ni Boy Abunda at nabanggit ang tungkol sa pangarap niyang magbuntis at magkaroon ng anak.


Dalawang beses nang nagkaroon ng aborted pregnancy si Heart, kaya labis niya itong dinamdam at iniyakan. Matagal bago siya naka-recover sa pagkawala ng kambal sanang anak. 


Maging si Sen. Chiz Escudero ay nalungkot at malaki ang panghihinayang.


Ganunpaman, hindi sila nawawalan ng pag-asa. 


Lagi pa rin naman nilang hinihiling na mabiyayaan sila ng anak ngunit sa ngayon ay abala si Heart sa kanyang pagdalo sa mga fashion events sa Paris at New York. Kaya na-realize ni Heart na may reason pala ang hindi pagkakatuloy ng kanyang pregnancy, sapagkat kung nabuhay ang kanyang twins, tiyak na sila ang magiging priority niya at hindi ang kanyang pangarap na maka-penetrate sa mga prestigious fashion events abroad. 


Hinayaan muna ng tadhana na matupad ang hiling ni Heart na makilala sa fashion world. Naging matagumpay siya at mas lumawak ang kanyang popularidad kaya kinuha siyang endorser and model ng mga sikat na luxury brands tulad ng LV, Christian Dior, Chanel at iba pa. Pati ang kanyang mga endorsements ay mas dumarami pa. 


Ngayon ay pinapangarap pa rin ni Heart Evangelista ang pagkakaroon ng sariling anak na ibibigay sa kanya sa tamang panahon. 


Ayon kay Heart, ayaw na niyang magpa-pressure sa mga taong makukulit na laging nagtatanong patungkol sa kanyang pagbubuntis. 


May ilang followers naman si Heart ang nagtatanong kung kailan naman siya magbibigay ng bonggang party bilang selebrasyon sa pagiging top fashion model niya.


Promise lang ni Heart, kapag nagka-baby na sila ni Chiz Escudero, isang malaking-malaking party ang tiyak na magaganap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page