top of page
Search
BULGAR

2 anak, kani-kanya na… JACLYN, INATAKE SA PUSO, WALANG KASAMA SA BAHAY, NAMATAY

ni Julie Bonifacio @Winner | March 5, 2024





Dama ang sobrang bigat ng pagdadalamhati ni Andi Eigenmann habang inilalahad ang opisyal na statement ng pamilya sa pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.


Kasamang humarap ni Andi sa media ang kanyang elder brother na si Gabby Eigenmann sa ipinatawag na presscon sa paghahayag ng tunay na nangyari sa yumaong aktres.


Pahayag ni Andi, “It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to a myocardial infarction or heart attack.


“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident. Please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest.”


Harinawang tumigil na ang paglabas ng kung anu-anong espekulasyon sa pagkamatay ni Jaclyn Jose.


May mga nagsasabi kasi na pinatay ang yumaong aktres nu’ng pasukin ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ni Jaclyn.


May kuwento rin kaming nasagap na two days na raw nawalan ng buhay si Jaclyn dahil sa heart attack, pero dahil walang kasama sa bahay kaya ‘di agad naagapan.


Nasa Siargao si Andi dahil doon na siya nakatira at may sarili nang pamilya, habang ang isa pang anak ni Jaclyn na lalaki ay nasa US.


Wala rin daw ang kasambahay ni Jaclyn dahil nagpaalam na uuwi muna ng probinsiya. Kaya tama lang na nagsalita na si Andi sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn. Mahirap talaga ang sakit sa puso, sadyang traydor ito. 


Nataon naman na walang kasama si Jaclyn kaya hindi agad siya nadala sa ospital. 


Balita rin sa socmed (social media), na ilan sa mga naunang artistang sumugod sa bahay ni Jaclyn ay ang mga kasamahan niya sa Kapamilya action serye na FPJ’s Batang Quiapo.


Pumunta raw agad ang aktor-director ng Batang Quiapo na si Coco Martin at ang aktres na si Cherry Pie Picache.


Dagsa ang pakikiramay sa socmed para kay Andi at sa pamilyang naiwan ng yumaong aktres.


“Our thoughts and prayers are with Andi Eigenmann, her family, and all those who knew and loved Jaclyn Jose during this difficult time. May she rest in peace, knowing that she will always be remembered and cherished in our hearts.”


“My heartfelt condolences dear Andi and the whole family!”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page