top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

$2.5-M ibabayad sa family victim ng Bryant crash

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | November 4, 2021





Mababayaran mula sa danyos perwisyos nang manalo sa kanilang isinampang kaso ang mga kaanak ng mga nalabi sa bumagsak na helicopter na kinalululanan ni NBA superstar Kobe Bryant dahil sa mga inireklamo nilang nagkalat na larawan ng aksidente na nagmula sa cellphone camera ng ilang sheriffs deputies at mga bumbero.


Magbabayad ng halagang $2.5M ayon sa pinagkasunduan sa Los Angeles County na hindi pa kasama rito ang isinampang kaso ng biyuda ng NBA legend dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng mga larawan mula sa helicopter crash. Kasamang nasawi ni Los Angeles Lakers star Bryant ang 13-anyos niyang anak na si Gianna at 7 iba pa sa bumagsak na helicopter sa Calabasas hills malapit sa Los Angeles noong Enero 2020.


Tanging mga imbestigador ng National Transportation Safety Board at coroner's office ang mga awtorisadong kumuha ng larawan sa crash site. Pero natuklasang ang mga deputies at bumbero ng Los Angeles County na nagtungo sa lugar ay kumuha rin ng larawan mula sa kani-kanilang phone camera at nai-share pa sa iba.


Ikinalungkot ito ng pamilya ng mga biktima kaya kinasuhan nila ang county.


Babayaran si Matthew Mauser na biyudo ni Christine ng $1.25 million. Ang magkapatid na sina JJ Altobelli at Alexis Altobelli, na namatayan ng magulang at isang kapatid ay babayaran ng $1.25 million din.


Unang iniulat sa Los Angeles Times noong Pebrero 2020 na ang mga larawang kumalat ay may caption na “had nothing to do with the investigation,” kung saan walong officers umano ang sangkot maging ang nag-utos na burahin agad ang mga larawan.


Naghabla rin ang biyuda ni Bryant na si Vanessa dahil ikinasama rin ng loob nila ang nagkalat ng mga larawan ng aksidente.


Nawalan ng kontrol ang piloto sa pinalipad na Sikorsky S-76 na sinasakyan ng mga kasama ni Bryant ayon sa imbestigasyon upang tuluyan itong bumagsak.


Kinikilalang greatest basketball player si Kobe sa NBA dahil sa 2 dekadang paglalaro sa team ng Lakers. Nagsimula ang karera noong 1996 sa high school at naging five-time NBA champion at nagretiro noong 2016.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page