18 ex-NBA players sangkot sa health care scam
ni MC - @Sports | October 09, 2021

Kinasuhan na ang 18 dating NBA players nang tangkain ng mga itong mang-scam sa NBA Health and Welfare Benefit Plan na umabot sa halagang $4 million.
Ang mga akusado diumano ay sina Terrence Williams, Alan Anderson, Anthony Allen, Shannon Brown, William Bynum, Ronald Glen "Big Baby" Davis, Christopher Douglas-Roberts, Melvin Ely, Jamario Moon, Darius Miles, Milton Palacio, Ruben Patterson, Eddie Robinson, Gregory Smith, Sebastian Telfair, Charles Watson Jr., Antoine Wright at Anthony Wroten.
Nasangkot din ang misis ni Allen na si Desiree Allen. Bawat isa sa kanila ay nahaharap sa kasong health care and wire fraud. Kahapon ay sinimulan nang imbestigahan ang 18 dating players. "The defendants' playbook involved fraud and deception," saad ni Audrey Strauss, ang U.S. attorney ng Southern District of New York sa reporters. "They will have to answer for their flagrant violations of law."
Diumano ayon kay Strauss, si Williams, 34, tubong Seattle na naglaro ng 4 na taon sa NBA ang nagsisilbing "scheme's linchpin," kung saan ay nagsusumite ng false claims ng liga sa health care plan.
Siya diumano ang nagsu-suplay ng 'false invoices' upang masuportahan ang fake claims kapalit ng kickback niya na $230,000, ayon sa otoridad.
Sinabi ng Prosecutors na kapag ang isang player ay hindi nakabayad kay Williams, tatawagan niya ang isang kasabwat na magpapakilalang plan administrator at sasabihing may problema sa claim.
Ito diumano ay upang "takutin" ang player na muling makipag-ugnayan at magbayad kay Williams, na kinasuhan din ng "identity theft" bilang koneksiyon sa mga tawag. Sa kabuuan, ang mga akusado ay nakapagsumite ng $3.9 million fake claims at $2.5 million ang nakuha nila, ayon sa mga opisyal.





Comments