Search
  • BULGAR

16-anyos nabinyagan ng gay reporter…

JOED, KUMANTANG MAY NAKATIKIMANG 3 PULITIKO AT TALL, DARK AND HANDSOME NA AKTOR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 1, 2020




Super-bongga ang ibinigay na presscon ng producer ng Anak ng Macho Dancer na si Joed Serrano ng The Godfather's Production sa isa sa limang baguhang talents niyang kasama sa movie na si Ricky Gumera.


Support lang si Ricky ng bida sa Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman, but still, paboloso ang pagpapakilala sa kanya sa press ni Joed at ng manager ng newcomer na si Meg Perez.


Kaya naman pala, aminado si Joed na sa limang baguhang alaga niya, pinaka-type niyang dyowain kung wala siyang dyowang pulis ngayon itong si Ricky Gumera dahil ang lakas daw ng dating sa kanya.


Pero pagdidiin ni Joed, dahil stick to one siya 'pag may karelasyon, siyempre ay behave siya kaya ginawa na lang niyang tropa si Ricky.


Naawa rin daw siya sa baguhang aktor nang makita niya ang buhay nitong nakatira sa squatter's area kaya agad-agad siyang nagpahanap ng bahay na malilipatan nito at ora mismo, binayaran niya ang one year na dapat bayaran sa bahay.


The rest ay si Ricky na ang magtutuloy ng payment na siyempre ay manggagaling pa rin sa kikitain niya sa Anak ng Macho Dancer dahil ginawa silang kasosyo ni Joed.

Meaning, since lima silang talents nito, lima silang maghahati plus si Joed sa kikitain ng movie.


Pag-amin ni Joed, medyo seloso nga ang dyowa niyang pulis pero naiintindihan naman daw nito ang relasyon niya sa kanyang mga alaga.


Dahil first time ni Ricky Gumera na humarap sa press, ikinuwento niya kung saan siya nagmula bago na-discover para mag-artista at ang kanyang family background.


Laking lolo't lola pala siya dahil ang kanyang ina ay iniwan ng kanyang ama na hanggang ngayon daw ay hindi pa niya nakikilala. Dahil habulin ng lalaki ang kanyang ina, may 10 pa siyang kapatid at 8 raw ang nakilala niyang stepdad!


Lumaki siya sa squatter's area pero in fairness, nang magpakita siya ng skin sa presscon niya, ang kinis at hindi mo iisiping laking-hirap siya.


Ipinapakilala si Ricky bilang bagong Totoy Mola na ginampanan noon ni Jay Manalo, so tingnan natin kung maaabot niya ang naging kasikatan ng magaling na aktor.


Performance wise, sabi naman ni Ricky, feeling niya ay kaya niyang lagpasan si Jay Manalo. So, let's see!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.