15 yrs. nang biyuda… LORNA, GAME NANG PALITAN SI RUDY
- BULGAR
- Oct 10, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 10, 2023

May naging pahayag si Lorna Tolentino na handa na siyang umibig muli sakaling makatagpo siya ng lalaking papantay sa katangian ng yumao niyang mister na si Rudy Fernandez.
At hindi naman siguro pipigilan nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador kung sakaling muling umibig si Lorna Tolentino na biyuda ng kanilang BFF na si Daboy. After all, 15 years na rin naman na mula nang yumao si Rudy.
Kahit bata pa at maganda pa rin, hindi nag-entertain ng mga manliligaw si Lorna dahil mahal na mahal niya si Daboy.
Nang ilibing nga si Rudy, may naging pahayag sina Sen. Jinggoy, Sen. Bong at Phillip na sila ang kikilatis sa sinumang manliligaw kay LT.
Pero, lumipas na ang mahigit isang dekada ay hindi pa nakatagpo si Lorna ng kapalit ni Rudy.
Ngayong nagkaedad na si LT ay na-realize niyang kailangan niya ng makakasama sa buhay. May sarili nang pamilya ang mga anak nila ni Daboy, kaya dapat ay mag-move on na siya sa kanyang buhay bilang biyuda.
For sure, makakatagpo si Lorna ng pangalawang langit.





Comments