138 OFWs mula Dubai at Qatar, ligtas na nakauwi sa ‘Pinas
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
by Lulet Abania @News | April 18, 2026

Photo: DMW
Ligtas na nakauwi sa bansa ang 138 overseas Filipino worker (OFW) at 59 sa kanilang mga dependent kagabi matapos na i-repatriate ng gobyerno mula sa Dubai at Qatar, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Sabado, April 18.
Dumating ang mga naturang Pinoy workers at dependents na lulan ng dalawang flight, isa mula Dubai via Emirates na may sakay na 112 OFWs at 44 dependents, at isa mula sa Doha, Qatar via Qatar Airways na may 26 OFWs at 15 dependents.
Tinulungan ang mga ito sa repatriation process ng Migrant Workers Offices at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy.
Sinalubong ng mga personnel ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga OFW at kanilang mga dependent pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sinabi pa ng DMW, ang mga umuwing OFWs ay binigyan ng tulong medikal at pinansyal, temporary shelter, at libreng transportasyon pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.




Comments