top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

11 nag-apply na VA, ikinulong, ginawang online scammer

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | November 19, 2026



11 hinihinalang biktima ng human trafficking habang tatlong Malaysian national ang naaresto sa operasyon laban sa umano'y online scam hub sa Brgy. Victoria, Currimao, Ilocos Norte - NBI

Photo: 11 hinihinalang biktima ng human trafficking habang tatlong Malaysian national ang naaresto sa operasyon laban sa umano'y online scam hub sa Brgy. Victoria, Currimao, Ilocos Norte - NBI



Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 11 hinihinalang biktima ng human trafficking habang tatlong Malaysian national ang naaresto sa operasyon laban sa umano'y online scam hub sa Brgy. Victoria, Currimao, Ilocos Norte.


Isinagawa ang operasyon noong Nobyembre 14, 2026, matapos humingi ng tulong ang isang babaeng nag-apply bilang virtual assistant noong Nobyembre 7 ngunit umano'y ikinulong at pinilit na gumawa ng online scam.


Sa operasyon, 10 pang manggagawa ang lumapit sa mga awtoridad upang humingi ng tulong at proteksyon.


Nasamsam ang mga computer, tablet, cellphone, scam script at iba pang kagamitan. Natuklasan din ang isang silid na may bandila ng Estados Unidos, logo ng Federal Bureau of Investigation (FBI), at mga jacket, cap, badge at ID na may tatak ng FBI.

Hinala ng NBI, nagpapanggap ang mga operator bilang mga awtoridad ng Estados Unidos upang makapanloko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page