11.11.21 sa resort sa Bataan… ELLEN AT DEREK, IKINASAL NA!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 12, 2021

Matapos lumabas ang post ng bonggang bridal shower ni Ellen Adarna sa kanyang YouTube channel, kahapon ay ikinasal na nga sila ni Derek Ramsay.
Sa kani-kanilang Instagram at Facebook account ay nag-post sina Ellen at Derek ng kani-kanilang wedding gown at suit.
Caption ni Derek sa kanyang photo habang suot ang light gray suit at may hawak na baso na may alak: "Cheers to my beautiful future. I love you you my dear wife! @maria.elena.adarna"
Inulan ng pagbati ang naturang FB post ni Derek.
Walang ibang detalyeng inilagay ang showbiz couple kung saan ginanap ang kanilang kasal.
Pero sa nai-post nilang picture sa kanilang socmed account, makikitang nasa parang isang hotel o resort sila na napapalibutan ng maraming puno.
May mga nagsasabing baka sa rest house nina Derek sa Tagaytay ginanap ang kasal.
Pero may nagparating din sa amin na sa isang resort sa Bataan ang venue ng kasalang Ellen-Derek kahapon — 11.11.21!
One thing is sure though, sa vlog nina Ellen at Derek malalaman ang buong detalye ng kanilang kasal!
Sadyang inilihim nila sa publiko ang mga detalye at nanggulat na lang sila.
At least, legal nang Mrs. Ramsay si Ellen Adarna!





Comments