103-anyos na lola sa Mexico, naka-survive sa COVID-19
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 5, 2020

Isang 103-anyos na Mehikanang babae ang gumaling sa COVID-19. Ito ang inanunsiyo ng Mexican Social Security Institute (IMSS) ngayong Lunes.
Kinilala ang babae na si Dona Maria na naospital lamang sa loob nang 11 araw.
Nagpositibo ito sa COVID-19 ngunit, kahit nagkaroon ng pulmonary problem ay wala itong diabetes, obesity at high blood pressure.
Ayon sa IMSS, malaki umanong kontribusyon sa kanyang paggaling na wala itong ibang sakit.
Dinala ang babae sa regional hospital sa Guadalajara sa western Jalisco state noong Setyembre 22 dahil nilalagnat at nahihirapang huminga dahil sa sipon.
Kuwento ng hospital director na si David Sanchez, "She was always very cheerful, lucid, talking to the doctors. Even at the end, she urged us to take care of ourselves. Her progression was very good; her symptoms have disappeared."
Sa ngayon, may kabuuang 757,953 katao na ang positibo sa COVID-19 sa Mexico at 78,880 ang pumanaw simula noong Pebrero.








Comments