top of page

'Pag bully ang anak — Tulfo... Magulang, paglinisin ng iskul

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | March 17, 2026



Sen. Raffy Tulfo - Senate of the Philippines

Photo: Sen. Raffy Tulfo / Senate of the Philippines



Nirekomenda ni Sen. Raffy Tulfo  na talakayin sa mga pulong ng Parent-Teacher Association (PTA) kung paano maiiwasan ang pang-aapi o bullying sa mga mag-aaral.  

Sa kanyang opening statement, inilatag ni Tulfo ang ilang rekomendasyon upang maiwasan ang bullying sa mga paaralan.


Kabilang dito ang pagpapataw ng parusa sa mga paaralan na nabibigong mapigilan ang mga insidente ng bullying. Ganundin ang pagbibigay ng parusa sa magulang ng bully na anak tulad ng community service o paglilinis ng eskwelahan.


Ipinanukala rin ang paglalagay ng CCTV cameras upang maayos na mabantayan ang mga estudyante, pagsasagawa ng seminar para sa mga guro at magulang, mandatoryong counseling para sa mga mag-aaral, pagpapalakas ng subject na Good Manners and Right Conduct, pagpapalakas ng security measures sa mga paaralan, at pagbuo ng mas maayos na anonymous reporting system upang madaling maiparating ang mga reklamo o insidente ng bullying.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page