100 pamilya, nasunugan
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | April 30, 2026

Photo: Nasa 100 pamilya ang nasunugan sa Muntinlupa City. (Gina Pleñago)
Nawalan ng tirahan ang nasa halos 100 pamilya sa naganap na sunog sa residential area sa Lungsod ng Muntinlupa kahapon ng umaga.
Base sa ulat ng tanggapan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, alas-6:45 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Hacienda Purok 2, Brgy. Sucat.
May hinala na ang sanhi umano ng sunog ay ilegal na koneksyon ng kuryente.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, alas-8:05 na umabot hanggang sa Purok 3 dahil sa lakas ng hangin na sinabayan ng mga pagsabog na hinihinalang dulot ng mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Nakontrol ang sunog alas-11 ng umaga na umabo sa mahigit 40 kabahayan at tuluyang naapula ang apoy alas-11:40 ng umaga.
Samantala, 2nd degree burn naman ang tinamo ng 50-anyos na si “Joseph” kung saan nalapnos ang likod nang tangkaing isalba ang mga gamit sa nasusunog na bahay.




Comments