10 ENTRIES NG MMFF, DADALHIN SA US, LAHAT NG GASTOS NG MGA ARTISTA, SAGOT NG MMDA
- BULGAR
- Dec 30, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 30, 2023

Tagumpay ang 2023 MMFF dahil tinangkilik ng moviegoers ang 10 entries at sana nga, sumigla na ang Philippine Cinema.
Kaya lang, hindi pa sigurado kung magkakaroon ng Summer Film Festival ang MMFF at MMDA dahil dadalhin sa Amerika ang 10 entries para mapanood ng mga kababayan natin doon.
Tatawaging “1st Manila International Film Festival” ang event, magkakaroon ng premiere night ang bawat pelikula na ipo-promote ng cast na isasama.
Ang MMDA raw ang sasagot sa lahat ng expenses para sa malaking event na ito na sana, suportahan ng mga kababayan nating nasa Amerika.
Wala pang ibang detalye, maliban sa gagawin ito sa end ng January 2024 hanggang sa first week ng February 2024. Matagal na raw walang ganitong event sa ibang bansa na iha-highlight ang Filipino films, kaya sana, maging successful.





Comments