10-ANYOS NA ANAK NI YASMIEN, BIKTIMA NG PAMBU-BULLY
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 24, 2023

Ini-reveal ni Yasmien Kurdi na naging biktima ng pambu-bully ang kanyang 10-year-old daughter na si Ayesha noong nakaraang taon.
Sa digital mediacon ng upcoming GMA-7 series na The Missing Husband na pinagbibidahan nina Yasmien and Rocco Nacino, nag-open-up ang aktres sa pinagdaanan niya bilang ina nang ma-bully ang nag-iisang anak nila ng mister na si Rey Soldevilla.
“My daughter recently experienced bullying, you know, I fought for her. To the point na ginawan siya ng ‘Ayesha hate club’ online, ganu’ng level,” lahad ni Yasmien.
And of course, bilang ina ay ipinaglaban niya ang anak at talagang ginawan niya ito ng aksiyon.
“I reported it agad sa adviser. Sa school kasi nila, kapag na-settle sa adviser, then okay na.
“Pero this coming school year, ngayon kasi, enrollment time, ini-request ko talaga na kung puwede, huwag na munang pagsamahin ‘yung mga kids na nam-bully sa kanya sa isang section.
“Kasi ayoko nang danasin niya uli ‘yung pinagdaanan niya last year na gumagawa sila ng ‘Ayesha hate club,’" kuwento ni Yasmien.
Dumaan daw sa counseling sa school si Ayesha.
“Nagkaroon siya ng counseling with the guidance sa school nila about the incident, which is ‘yun ang maganda sa school nila, may counseling about it kung paano niya hinandle ‘yung situation, paano ‘yung coping mechanism niya when it comes to those kinds of incidents,” ani Yasmien.
Of course, as a mom ay nasasaktan daw siya for her daughter, pero she understands also na kids din ang mga classmates ni Ayesha na nambu-bully at kaya pa naman ding disiplinahin or itama ang maling gawain.
Good thing na very strong daw ang kanyang anak at mas positibo pa nga raw ang outlook kesa sa kanya. And bilang ina ay sinasabihan niya rin ito na in life, you can’t please everybody at hindi lahat ng tao ay gusto ka.
“Sabi ko, in life, ‘yan ‘yung reyalidad ng buhay, you have to be strong. Basta ako, lagi akong nandito kapag alam kong tama ang anak ko, I’ll always fight for her.
“Pero kapag alam kong mali ang anak ko, ako po mismo ang magso-sorry at mag-a-apologize sa parent,” sey ng aktres.
Samantala, kakaiba na naman ang istorya ng action-suspense drama series na The Missing Husband na tatalakay sa mga investment scams at kung ano ang epekto nito sa pamilyang na-scam.
Mula sa direksiyon ni Mark Reyes, kasama rin dito sina Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte at marami pang iba.





Comments