top of page

1 patay, 1 missing dahil kay ‘Maymay’ — PDRRMO

  • BULGAR
  • Oct 12, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 12, 2022



Isa ang naitalang nasawi habang isa ang nawawala sa Cagayan dahil sa Tropical Depression Maymay, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ngayong Miyerkules.


Sa isang interview ng GMA News kay Cagayan PDRRMO head Ruelie Rapsing, sinabi nitong bineberipika na ng kanilang opisina ang mga natanggap na mga reports.


“We’re verifying isa ring lumabas ng bahay nangisda din daw. This is a reported dead. Na-retrieve ‘yung cadaver kahapon lang ng hapon. But we’re still trying to verify kung related ito doon sa ating sama ng panahon,” saad ni Rapsing.


Ayon kay Rapsing, ang nawawala namang indibidwal ay ini-report ng chief of police ng Santa Ana.


Sa kabila aniya ng inilabas na gale warning at no sail policy nitong Martes, naglayag pa rin ang nasabing missing person ng umaga.


Sinabi rin ni Rapsing, alas-3:00 ng madaling-araw ngayong Miyerkules, may kabuuang 1,270 katao o 430 pamilya ang agad inilikas o preemptively evacuated sa limang munisipalidad.


Habang nasa 27 barangay ang kasalukuyang apektado ng Bagyong Maymay.


Ini-report naman ni Rapsing na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa northwestern at northeastern portion ng lalawigan, habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa southeastern at southwestern portion.


Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naghanda na ng mahigit sa 2,000 family packs, sakaling magkulang ang supply ng local government units (LGUs) sa nasabing lalawigan para sa mga apektadong residente, ayon pa kay Rapsing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page