top of page

Motorcycle taxi, pasok sa P5K ayuda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 13, 2026



Motorcycle taxi

Photo: File / Reuters



Kasama ang motorcycle taxi riders sa mga maaaring makatanggap ng P5,000 Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS).


Ito ang inihayag ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez kaugnay sa tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga sektor na naapektuhan ng mataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa epekto ng tensiyon sa Gitnang Silangan.


Ayon kay Lopez, ang motorcycle taxi riders ay kabilang sa ride-hailing services na nakasaad sa special provision ng 2025 national budget, kaya kwalipikado ang mga ito sa programang tulong pinansyal.


Sinabi ni Lopez na pinag-uusapan din nila sa ngayon na maisama rin sa P5,000 ayuda ang ibang transport network services kabilang na ang transport network vehicle services (TNVS) at mga taxi.


Batay sa pagtaya ng kalihim, nasa 60,000 motorcycle taxi riders sa buong bansa ang maaaring makinabang sa programa kabilang na ang mga nag-o-operate sa Metro Manila at Cebu.


Gayunman, inamin ni Lopez na wala pang pinal na listahan ng mga benepisyaryo dahil ilang sektor pa ng motorcycle taxi services ay nasa pilot testing pa lamang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page