1 month nang kasal… ELLEN, IPINAGSIGAWANG SOBRANG IN LOVE SA KANYA SI DEREK
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 11, 2021

Isang buwan nang kasal sina Derek Ramsay at Ellen Adarna today, Dec. 11, at kung titingnan ang mag-asawa sa kanilang mga posts, talaga namang para silang nasa cloud 9 araw-araw.
Nag-post si Derek kahapon ng short video nila ni Ellen at sa caption, aniya ay the best daw talaga ang kanyang misis.
“I am so in love with my wife. She is the best forever and ever and ever amen. One month married and we're still alive,” caption ni Derek.
‘Yun pala ay si Ellen ang naglagay ng caption. Hahaha!
“Caption by me and masyado kang excited tmrw pa 11,” sey ni Ellen sa comment section.
Masayang-masaya rin ang mga followers nila at aliw na aliw sila sa happiness ng mag-asawa sa video.
“Ang sarap pagmasdan ng nagmamahalan! Halata pong mahal na mahal n'yo ang isa’t isa. I’m a fan,” komento ng isang netizen.





Comments