1-K multa at anim na buwang pagkakakulong sa magdo-doble ng Tax Identification Numbers

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 3, 2020
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung may karampatang kaparusahan ba kapag nadoble ang aking BIR TIN? Nadoble ang aking TIN noong ako ay lumipat sa bago kong pinapasukan. Imbes na iyong TIN ko sa dati kong pinapasukan ang aking ginamit ay panibago ang aking naibigay sapagkat hindi na ako nakipag-usap sa dati kong pinapasukan. – Almar
Dear Almar,
Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, ang pagkakaroon ng dalawa (2) o higit pang Tax Identification Number o (TIN) ay pinarurusahan ng multa sa halagang isang libong piso (Php 1,000), o pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim (6) na buwan, o parehong multa at pagkakakulong. Ito ay alinsunod sa Seksiyon 20 (e) ng Revenue Regulations No. 11-2008 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Seksyon 275 ng ating National Internal Revenue Code, viz:
“SEC. 20. PENALTY PROVISION. – The following violations related to primary registration shall be penalized as follows:
a) xxx
e) Acquisition of Multiple TIN - aside from the criminal liability that may be imposed, P1,000 for every TIN acquired in excess of one;
xxx
Any violation of the provisions of these regulations shall be subject to penalties provided in Sections 254 and 275, and other pertinent provisions of the Code, as amended.”
“SEC. 275. Violation of Other Provisions of this Code or Rules and Regulations in General - Any person who violates any provision of this Code or any rule or regulation promulgated by the Department of Finance, for which no specific penalty is provided by law, shall, upon conviction for each act or omission, be punished by a fine of not more than one thousand pesos (P 1,000) or suffer imprisonment of not more than six (6) months, or both.”Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments