1 buwan sa ospital dahil sa COVID-19… ERAP, NAKAUWI NA SA BAHAY
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 28, 2021

Masaya ang buong pamilya Estrada dahil finally, matapos ang isang buwan sa hospital ay nakauwi na rin si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong Lunes.
Sa Facebook page ng panganay na anak na si dating Senador Jinggoy Estrada ay ibinalita nito ang paglabas ng ama.
“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today.
“We would like to express our gratitude to his doctors for their expertise and care.
“We would like to thank everyone who prayed with us and supported us through this harrowing experience.
“But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this.
“Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat!!!” ang saad ni Jinggoy.
Nag-upload din siya ng ilang larawan na nasa bahay na ang kanyang ama.
“Welcome home,” ang caption ni Jinggoy sa family picture nila sa bahay.
Sa isang larawan naman ay makikitang hinahalikan pa ni Erap ang kamay ng asawang si Dra. Loi Estrada.
“Miss na miss niya na nanay ko! Hehehe…” ang caption ni Jinggoy.
Matatandaang isinugod sa ospital noong Marso ang 83-year-old actor/politician dahil sa sintomas ng COVID-19. Bagama’t noong mga unang araw ay medyo lumala ang kanyang kondisyon, but as days went by ay bumuti na rin ang kanyang kalagayan hanggang sa mag-negatibo na last April 13 sa nasabing killer virus.





Comments