ZSA ZSA, PUMALAG NA SALING-PUSA LANG SI KARYLLE SA IT'S SHOWTIME
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 9, 2023

Hindi na kinompronta ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla si Vice Ganda sa ginawa nitong pambabara-pambabastos sa anak niyang si Karylle sa It’s Showtime. Katwiran ni Zsa Zsa ay sanay na raw si Karylle sa ganu’ng okrayan sa show kaya hindi siya na-offend nang barahin ni Vice.
Besides, nag-sorry na rin daw kay Karylle ang TV host-comedian.
Pero, may panawagan at pakiusap si Zsa Zsa sa staff na bumubuo sa It’s Showtime. Sana naman daw ay bigyan si Karylle ng magandang exposure sa show na deserve naman niya.
Singer si Karylle at marunong ding mag-host. Pero, kadalasan ay ang ikli-ikli ng kanyang segment sa IS at mas binibigyan pa ng importansiya ang ibang baguhan sa show tulad ni Ion Perez, atbp..
Bilang ina, masakit kay Zsa Zsa na nababalewala ang kanyang anak. Hindi naman siya nagde-demand na ipantay si Karylle sa exposure nina Vice Ganda, Amy Perez, Anne Curtis at Kim Chiu.
‘Yung nararapat lang naman na exposure upang hindi naman magmukhang saling-pusa sa It’s Showtime ang kanyang anak.





Comments