top of page

ZEINAB, POGI AT RICH PILOT-BUSINESSMAN ANG IPINALIT KAY SKUSTA CLEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 4, 2022


Tinutukan ang guest appearance ng sikat na YouTuber na si Zeinab Harake bilang isa sa mga hurado sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime.


Si Zeinab ang pinakasikat na vlogger ngayon na hindi artista. Almost 13M lang naman ang subscribers sa kanyang YouTube channel. At bawat video sa kanyang YT channel ay ‘di bababa sa 1M ang views.


Last Tuesday, nag-viral sa socmed ang episode ng It’s Showtime kung saan tinanong ni Vice ng isang hypothetical question tungkol sa mga ex si Zeinab.


Tanong ni Vice kay Zeinab, “Kanino ka maiilang makasama, sa dyowa ng ex mo o sa ex ng dyowa mo?”


Fresh pa sa mga netizens ang hiwalayan ni Zeinab with her former partner at ama ng kanyang baby girl, si Bia, na si Daryl Ruiz na mas kilala sa socmed as Skusta Clee. Kaya, relate much ang madlang pipol sa hypothetical question ni Vice kay Zeinab.


“Maiilang ako sa dyowa ng ex ko. Kasi baka mas mailang siya kung ako ‘yung nakasama niya,”


sagot ni Zeinab.


Napa-react naman ang lahat ng It’s Showtime hosts na nakaabang sa sagot ni Zeinab, lalo na si Vice.


“Grabeee…ang init,” bulalas ni Vice.


Ang tsika ng mga Marites sa socmed, may bagong boyfriend si Zeinab ngayon na guwapo raw na mayamang pilot at the same time ay isang businessman na nagngangalang Julian.


In fairness, maganda ang rehistro ng mukha ni Zeinab on TV. Hindi kami magugulat if one of these days, maging regular na si Zeinab sa It’s Showtime.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page