ZEINAB, GAME NANG MAMATAY DAHIL NAG-FOLLOW SA KANYA SI MARIAN
- BULGAR
- Aug 21, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 21, 2022

Fan pala ni Marian Rivera si Zeinab Harake, ang controversial vlogger na endorser na ngayon ng Beautederm. Tuwang-tuwa si Zeinab nang i-follow siya ni Marian sa Instagram at agad niya itong ipinost sa kanyang IG story.
“OMG! Puwede na po akong kunin ni Lord. I’m crying, lodi ko ‘to 10 pa lang ako, hanggang ngayon, walang pagbabago. Iba (ang) kilig ko shuta*na, 1 week ako nakangiti talaga,” post nito at isinama ang notification na: “marianrivera started following you.”
Gaya ng nasabi namin, endorser na si Zeinab dahil siya ang latest ambassador ng Beautederm at ang oral care na Koreisu Family Toothpaste at Etre Clair mouth spray ang ini-endorse niya. Ang Koreisu ay whitening toothpaste, may activated charcoal na nag-aalis ng stain sa teeth at bad breath.
Brand ambassador din si Marian ng Beautederm at hindi malayong magkita sila ni Zeinab sa mga events ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan, ang CEO/founder ng Beautederm Corporation.





Comments