Zanjoe, Gerald at Dominic, pare-parehong babu! BEA, SOBRANG TAAS NG STANDARD KAYA INIIWAN NG LALAKI
- BULGAR
- Feb 17, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 17, 2024

Bago si Gerald Anderson ay si Zanjoe Marudo ang boyfriend ni Bea Alonzo. Apat na taon din silang naging magkarelasyon, pero walang marriage proposal na naganap.
At that time, ang prayoridad ni Zanjoe ay ang kanyang pamilya at career, hindi ang love life, kaya nagkulang din siya sa relasyon nila ni Bea.
Gusto muna ni Zanjoe na bigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga magulang at kapatid. At gusto niyang may marating ang kanyang showbiz career.
Kaya naman kahit apat na taon ang itinagal ng kanilang relasyon ni Bea, hindi ito nauwi sa kasalan. Ganunpaman, they remained good friends.
After Zanjoe Marudo ay si Gerald Anderson ang naging boyfriend ni Bea. Pero dahil kay Julia Barretto, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Bigla na lang “naglaho” na parang multo si Gerald. Wala silang naging pormal na paghihiwalay. Walang naging closure kaya nauso ang 'ghosting'.
Well, maraming netizens naman ang nagsasabing si Bea Alonzo ang may problema kung bakit bumibitaw ang mga lalaking kanyang nakakarelasyon. Hindi raw kasi maabot ng kanyang mga naging ex-boyfriend ang kanyang mataas na standard.





Comments