top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Zamboanga, wagi sa split decision, Folayang nabigo

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 4, 2022



Muling sumuntok ng panalo si Denice “The Menace” Zamboanga matapos iukit ang split decision tagumpay kontra Lin Heqin sa undercard bout ng ONE Fight Night 5 sa Prime Video at sunod na hamunin si No.1 ranked Nanthawan “Stamp Fairtex” Panthong sa women’s Atomweight division, kahapon ng umaga sa pagbabalik ng ONE Championship sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Nagpamalas ng kanyang mahusay na abilidad sa striking ang 25-anyos na No.3 ranked Pinay fighter matapos paduguin ang ilong at kaliwang kilay ng Chinese striker sa loob ng tatlong rounds, habang nagamit din nito ang kaalaman sa wrestling upang madepensahan ang ilang takedowns sa naturang laban.


We worked on my striking a lot, when I trained and moved to my brother's gym, T-Rex MMA, so I have to show them that I have striking too,” pahayag ni Zamboanga na lumipat sa muhon ng kanyang kapatid matapos lisanin ang Marrok Force MMA nitong ring taon.


Maagang nagpatama ng solidong suntok ang tubong Quezon City fighter sa unang round pa lamang na paulit-ulit nagsagawa ng jab at right straight, subalit natyempuhan din ito ng isang kanang suntok ni Lin sa parehong round na maagap namang nakabangon sa naturang patama matapos mapayuko at dumepensa sa planong ground and pound ng Chinese fighter.


Samantala, nalasap ni dating two-time ONE Lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang ang kanyang ikalimang sunod na pagkatalo sa kamay ni Edson Marques ng Brazil matapos tamaan ng kanang suntok sa mukha sa 2:53 ng second round.


Malaki ang paniniwala ni Folayang na napaaga ang tawag ng referee sa pagbibigay ng knockout sa kanya na napasubsob sa pagtama ng suntok. Subalit ipinagtanggol nito ang sarili na mabilis siyang tumayo dahil hindi naman siya nahilo sa naturang suntok.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page