top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Zamboanga, nagkampeon sa CTG Pilipinas 3X3 President's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2020
1 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | October 31, 2020




Itinanghal ang Family’s Brand Sardines-Zamboanga bilang bagong kampeon at bagong milyonaryo ng 2020 Chooks To Go Pilipinas 3X3 President’s Cup hatid ng TM matapos talunin ang magiting na Nueva Ecija Rice Vanguards, 22-20, Biyernes ng hapon sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna. Ipinakita ni Joshua Munzon kung bakit siya ang numero unong manlalaro ng Pilipinas matapos niyang ipasok ang nagpapanalong dalawang puntos para wakasan ang mainitang laban na may 1:11 sa orasan.


Lamang ng 20-17, may gintong pagkakataon na maipanalo ng mas maaga ang laro pero sinablay ni Alvin Pasaol ang kanyang dalawang free throw. Napunta ang bola kay Jai Reyes at walang takot na pinasok ang two-points upang lumapit, 19-20, bago nagbayani muli sa Munzon.


Nagtapos sina Munzon at Pasaol na parehong may 7puntos. Nag-ambag ng tig-apat na puntos sina Leonard Santillan at Troy Rike.


Nakaganti ang Zamboanga City sa Sta. Lucia Realtors-Pasig sa semifinals, 21-16, kung saan pinasok ni Munzon ang pito ng kanilang huling walong puntos. Ang Pasig ang tanging koponan na nagpalasap ng talo sa Zamboanga City noong quarterfinals ng ikatlong yugto noong Oktubre 25.


Naging tatlo na lang ang manlalaro ng Nueva Ecija matapos mabalian ng tadyang si Maclean Sabellina sa kanilang 21-14 panalo sa Petra Cement-Roxas ZN Rockies sa quarterfinals. Kahit kapos ng isang tao, pinatumba ng Rice Vanguards ang Uling Roasters-Butuan sa semifinals, 21-20.


Maliban sa gantimpalang salapi, lalakbay ang mga kampeon sa Doha, Qatar para sa pagpapatuloy ng 2020 FIBA 3X3 World Tour ngayong Nobyembre 20 at 21. Dadalhin nila ang pangalan ng Manila Chooks at haharapin ang mga bigating koponan buhat sa Europa at Estados Unidos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page