Zambo Sibugay, solo 2nd spot sa VisMin Cup
ni Gerard Arce - @Sports | December 09, 2021

Ipinaramdam ng Zamboanga Sibugay Anak Mindanao Warriors ang kanilang puwersa at lakas para talunin ang MFT Iligan City Archangels, 82-71, kahapon, para makuha ang solo second spot sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round ng CTG Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Nagbabaga ang opensa ng Sibugay nang kanain ang 28-9 na ratsada sa 1st quarter, ngunit patuloy na sumusubok na makabalik ng Archangels. Nagtangkang ibaba ng Iligan ang lamang sa 4th period sa 9 puntos sa triple ni Elmer Aparice sa nalalabing 2:05 sa 69-78. Gayunpaman, sadyang huli na ang lahat para sa Iligan ng kumana sina Shaq Imperial at Monbert Arong ng mga tikada sa Sibugay.
“Ni-remind ko lang sila before the game na huwag maging over-confident. Kaya noong nakakahabol 'yung Iligan, sinabihan ko sila na huwag mag-relax,” wika ni Warriors head coach Arnold Oliveros, na malaking regalo sa kanyang kaarawan.
Nakamit ng Sibugay ang solo second seed sa 7-4, kung saan makakaharap ang Basilan BRT Peace Riders bilang huling laro sa Biyernes ng 4:00 p.m. Rumehistro si Arong ng game-high 23 points at 4 rebounds habang nagdagdag si Imperial ng 14 points gayundin si Jaybie Mantilla sa 11 points.
Samantala, tatalakayin sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong Huwebes ng umaga ang hinggil sa boksing, chess, fencing etc sa 131st edition ng ”Usapang Sports on Air.”
Panauhin sina Rio Olympics boxing campaigner Charly Suarez, GMs Rogelio Antonio, Jr. at Darwin Laylo, fencing champion Jojo Viceo at Mindanao Peace Games organizer Noli Ayo sa weekly sports program simula ng 10 a.m. Sariwa pa si Suarez, ang three-time Southeast Asian Games featherweight/lightweight gold medalist sa panalo kontra kababayang si Delmar Pellio sa nagdaang 10-round “Ultimate Knockout Challenge” super featherweight fight sa Elorde Sports Center sa Paranaque noong Dec. 4.





Comments