Zambo Sibugay, naghari sa Mindanao Challenge
ni Gerard Arce - @Sports | December 19, 2021

Hindi mapigilan maging ng apat na oras na power outage at isang rambulan ang kagustuhan ng Zamboanga Sibugay Anak Mindanao Warriors na makamit ang kampeonato sa Game 2 ng best-of-three title showdown ng CTG Pilipinas Vis-Min Super Cup Mindanao Challenge nang patumbahin ang BYB Kapatagan Buffalos, 89-80, Biyernes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng Zamboanga del Sur na mapunta pa sa katunggali ang korona. Bukod sa pagiging kauna-unahang kampeon ng Mindanao Challenge, nakatanggap din ng P500,000 na premyo ang Zamboanga Sibugay mula sa sorpresang anunsyo ni CTG president Ronald Mascarinas. “We waited until Game Two to announce it as a gift for the players,” pahayag ni Mascariñas, na tubong Butuan City. “This is our gift to the players this Christmas.”
Hinirang na Finals MVP si dating UP Fighting Maroons Jaybie Mantilla na kumana ng average na 18.5 points, sa dalawang laro. Sa game 2 ay rumatsada ng 18pts. “Since na-cancel 'yung game last night sinabihan ko 'yung players ko to stay focused and hungry,” wika ni Anak Mindanao Warriors head coach Arnold Oliveros.





Comments